2 years ago kami huling ngkita, huling nagkausap at huling ngkasama. Hindi ko pa alam nun na dun pla mttpos ang lahat. Ang lahat ng bagay na sabay nming sinimulan at parehas nming isinugal sa laban.
Magulo ang naging proseso namin noon. Nakilala ko xa dahil sa isang malapit na kaibigan na sinaktan siya at ipinagpalit sa iba. Wala nman akong kaplano plano nun. Wala akong alam. Hindi ko alam na nung panahon at oras na nsaktan siya ng kaibigan ko e ako na pla ang sumasambot sa pagkahulog niya. Noon, gusto ko lang maging maayos ang lahat sa pagitan niya at ng kaibigan ko.Ang hindi ko alam, sa kagustuhan kong maging maayos sila, ako pa pala ang lalong mgpapagulo sa sitwasyon.
Naging kami sa hindi ko malamang dahilan. Minahal ko siya at lalo ko nmang hindi alam kung bakit. Naging magulo, naging magulo ang lahat sa pagitan ko at ng mga kaibigan ko, sa mga teachers namin at sa lahat ng taong malapit sa amin. Lahat ng bagay na importante sakin, ginive up ko. Lahat. Walang hindi. Kasi mahal ko siya. Kasi importante siya. Inisip ko nlang na mahal ako ng mga taong nasaktan ko, at maiintindihan nila ako. Inintindi nga nila ako, pero sa paraang hindi ko naintindihan. Lahat ng relasyong binuo ko sa kanila, nawala. Nawala dahil sa kanya. Pero binalewala ko ang lahat dahil alam kong maiintindihan nila ako. Pero kabaliktaran ng inaasahan ko, mali pala. Sila pala yung dapat kong maintindihan.
Umabot din nman ng isang taon at mahigit ang lokohang iyon. August 12, 2009, iniwan niya ako. Madaming dahilan, pero kahit isa wala akong naintindihan. Walang klaro nung mga panahong iyon. Hanggang sa huli, malabo at kumplikado pdin. Hindi naging madali ang lahat. Yung tipong nasa gitna na kayo sa binubuo nyong pangarap, tpos saka nman xa bumitaw. Yung panahon kung kelan mahal na mahal mo xa, tapos saka ka iiwan. Pero sa mga panahong yun, dun ko napatunayang matapang na tao pla ako. Hindi pala ako yung mahina na dating inaakala ko. I always tried to be okay. Naging masaya ako kasi kahit ganun pa ang ginawa niya, alam kong ayaw niya akong nakikitang nssktan. Gusto niya palagi akong masaya. Yun yung kalimitan niyang sinasabi dati.
Masakit. Alam ko nman yun e, pero hindi ko inaasahang ganun pala kasakit. Doble pa sa inaakala ko.Walang araw na naging mdali para kalimutan ang lahat. Pero naiintindihan ko padin xa. Alam kong may dahilan. Sapat man o hindi, tanggap ko. Hindi ako nagalit sa kanya.
Wala nman akong pinagsisisihan sa lahat ng nangyari. Naging masaya nman ako. Yun ang importante. Madami din akong natutunan. Kung nasaktan man ako, mas nangingibabaw pa din yun saya na naramdaman ko. Ang sakit kasi nawawala, humihilom. Pero yung saya, walang kapalit yun. Alam kong hinding hindi ito mapapalitan ng kahit na ano. Priceless kumbaga.
Ngayon, mas naging masaya ang buhay ko. Naibalik ko ang lahat ng nawala sa akin. Sa ngayon, ayoko lang nkikitang nssktan ang kaibigan ko dahil sa mga "LOVE PROBLEMS."... dahil sa mga lalaki. Walang sinuman ang may karapatang saktan sila. Masyado silang mahalaga skin pra makita lang silang nssktan. Ayokong pagdaanan nila ang pinagdaanan ko na. Tama nang ako nlang....
Magulo pala tlga ang buhay. Hindi ito ganun kadali at kasimple tulad ng mdalas nting iniisip. Sa buhay, hindi mo kelangan ibigay ang lahat. Dahil sa oras na balewalain nya lhat ng binigay mo, walang mtitira sayo kundi pagsisisi. Minsan, kelangan mo tlgang mgtira para sa srili mo.. Magtira ka kahit konti lang, panlaban mo to sa mga pangyayaring darating ng basta basta nlang.
Magmahal at magpatawad. Yun lang yun.
No comments:
Post a Comment