Thursday, September 15, 2011

This is something so inspiring.


Bakit Ako?

Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo kapag tinitignan mo ko. Pero ang nasa isip ko, salamat. Salamat sa pagmamahal, sa pag tanggap kung sino ako. Salamat sa pag protekta. Salamat sa pagpapakita sakin ng mundo. Iniisip ko din, bakit ako? hanggang ngayon, hindi ko alam bakit ako? may mga tao na nagsasabi sakin na wala akong pinag-aralan, wala akong kwenta, at kung ano ano pa. Pero bakit ako? sa sinabi kong yun, hindi ko na alam pano pa ko mag papatuloy. 
Limang taon. kung tatanungin ako kung ano ang pinaka naaalala ko sa lahat ng pinag daaanan natin.. yun yung mga tawana natin. Yung may tao tayong pag lalaruan. O kaya naman aso natin. O kahit na ano. Tatawa tayo na malakas. Na tayo lang nagkaka-intindihan. Doon ko nakikita kung gaano kalalim yung pagkaka-intindihan natin. 
Simula pa lang natin ito. madami pa tayong haharapin. Hanggat nandito ka, nandito ako. Hanggat mahal mo ko, mahal kita, kung umabot tayo sa sitwasyon na hindi mo na ko mahal, mahal pa rin kita. Ikaw ang pinaka importante sakin. Ikaw ang aalagaan ko habang buhay. Tutuparin natin lahat ng pangarap natin. Hindi ako bibitiw, kahit anong mangyari. 
Happy Anniversary Babe. :) Hindi biro ang limang taon. At mayabang tayo kasi dadagdagan pa natin yan :) I Love You 
Credit to: [Click Here]

No comments:

Post a Comment