Labing isang taong gulang ako nung natupad ko ang isa sa mga pangarap ko na mkapunta sa ibang bansa. Regalo sa akin ng Daddy ko dahil grumaduate ako ng elementary. Nagpunta kami ng Dubai, 2 buwan. Masaya, pero dun mo rin pala mararanasan kung ano yung sinasabi nilang homesick. Pero hindi dito nagtapos ang pangarap ko, madami pa. Madami pang natitira na hindi ko pa napupuntahan, na hindi ko pa nakikita, na nananatiling pangarap.
Isa sa mga bansang parangap kong puntahan ay ang France. Gusto kong makarating ng Paris. Hindi ko alam kung anong eksaktong dahilan kung bakit ko gusto makarating doon. Siguro dahil sa pag ka inlove ko sa Eiffel tower. Ang romantic kasi.
(At dahil nga pangarap ko ang Paris, heto ang bago kong biling notebook. Ang DREAM TO PARIS. )
Meron akong bestfriend. Siya yung lagi kong kasama nung highschool pa kami. At siya yung naging dahilan kung bakit Spain ang isa pa sa mga bansang gusto kong puntahan. Gusto kong marating din kung nsaan siya ngayon. Barcelona Spain. Gustong gusto ko. Hindi sa kung ano mang dahilan, kundi gusto kong mgkasama ulit kami ng matagal, tulad ng dati.
Hindi ko alam kung anong meron sa bansang ito kung bakit gustong gustong gusto ko talaga mkapunta dito. Una kong nalaman ang bansang ito sa movie ni KC Conception at Richard Gutierrez. Santorini Greece. Isa ka sa mga pangarap ko. At isa isa ko kayong tutupadin.
Ilan lang kayo sa libo libong pangarap ko sa buhay. Pagdating ng panahon, kapag nakapagtrabo na ko, nakaipon, napagpagawa ko na ng malaking bhay ang mga magulang ko, kapag hindi na kailangan pang lumayo ang daddy ko para lang kumita ng pera, kapag kaya ko ng sustentuhan ang pag- aaral ng kapatid ko, kapag kaya ko ng ibigay lahat ng pangangailangan ng pamilya ko, at kapag nakilala ko na ang makakasama ko sa pagpunta ko sa mga lugar na ito, pangako, mararating ko rin kayo. Magkikita rin tayo.




No comments:
Post a Comment