Ang tagal ko narin palang hindi nakakapag post dito. Matagal na rin pala akong nawala. At ngayon, ako ay nagbabalik. Sabi ko na nga ba, pag hindi ko na kaya, sayo ko nlang ssbhin. Alam kong hindi mo ko huhusgahan, salamat, my blog.
Isang buwan na rin pala akong naging busy sa mga bagay bagay. Masyado siguro akong nagbigay atensyon sa mga tao at bagay na akala kong magpapasaya skin. Oo, naging masaya ako. :)
Alam kong mdami akong hindi nasabi sayo bago biglang nawala ang lahat, pero gusto kong malaman mo na naging masaya ako sa ilang araw na naging totoo ako sayo at naging totoo ka sakin. Sana nasabi ko sayo kung gaano ako kasaya sa bawat salitang sinabi mo sa akin. (Ask God) At yung promise ko? Hindi kita iiwan. Sinabi ko nman sayo na kahit hindi na tayo naguusap, kahit malayo na tayo sa isa't- isa at kahit iba na ang lahat, andito pa din ako. May kaibigan ka pa rin dito.
Wala akong hiniling kundi yung maging masaya ka. Sana gabayan ka ni Lord na sana makita mo yung tamang daan at malaman mo ang iyong pupuntahan. Sana mapunta ka dun sa bagay na magpapasaya talaga sayo. Okay na ko dun. Masaya na ko para sayo. Beyond words.
Salamat. Salamat sa bawat araw na pinangiti mo ako. Salamat sa mga bagay na ipinagkatiwala mong malaman ko. Salamat sa pagbibigay mo ng daan para makapasok ako sa buhay mo. Salamat kasi at some point, naging masaya ako.
Till we find our ways again,
April 03, 2012 10:08
Just so you know, your raisins and oreo are still with me. :P
No comments:
Post a Comment