Ang hirap maging masaya. Yung tipong masaya ka, pero may nasasaktan kang iba. O di kaya masaya ka, tapos biglang babawiin. Ang masaklap pa, yung taong nagbibigay ng saya sayo, siya din yung nagbibigay ng milyon milyong dahilan para maging malungkot ka. But you just can't let go.... Kasi masaya ka. Kasi kahit nasasaktan ka, masaya ka pa rin. Kasi yung sakit, sa pagdaan ng panahon, natatabunan ng saya. Kasi mas lamang pa rin yung saya. Kasi mas gusto mong maging masaya, kasama siya.
Pero in some points, dumadating din pala yung napapagod ka. Nagsasawa. Nadadala. Ang mahirap lang, pag napagod tapos ngpahinga, yun na ulit. Balik na ulit sa dati. Masaya na ulit. Masasaktan na ulit. Paulit ulit ulit lang.
Ang hirap pala nung feeling na gustong gusto mo ng makawala sa isang sitwasyon, gustong gusto mo ng lumabas, umalis, takbuhan ang lahat, pero hindi mo magawa kasi ang totoo, hindi mo rin alam kung paano ka pumasok. Ang hirap. Ang hirap takbuhan ng lahat lahat ng bagay na gustong gusto mo ng takasan. Pero hindi mo magawa. Hindi mo alam kung saan at paano magsisimula. Kasi mahalaga. Kasi masyadong importante yung bagay at taong iiwanan mo. Kasi hindi mo matanggap sa sarili mo na kahit ano pang pilit ang gawin mo, hindi mo pa rin kaya.
Sabi nga nila, lahat ng bagay natutunan. Yung ay kung willing kang pag-aralan at simulan ang unang hakbang para matuto. Sana kaya ko. At sana hanggang huli kayanin ko. Maybe in time.
Sa lahat ng nagmahal, nasaktan, nagpatawad, nagpakawala at nakalimot, saludo ako sa inyo. Dalawang kamay ang itinataas ko para purihin kayo na sa kabila ng lahat, pinakawalan mo ang lahat ng bagay sa inyo, ang lahat ng ala ala, lahat ng sakit, lalong lalo na yung pagpapakawala sa nararamdaman mo, sa pagmamahal mo. Saludo ako sayo.
Kung masaya ka ngayon, enjoy life!! Maganda ang buhay. Hindi kasi ganyan palagi . Kalimitan pa nga, pinasaya ka ngayon, kinabukasan dobleng lungkot ang kapalit. Plus one, minus two ika nga.
No comments:
Post a Comment