Lord, may gusto po akong ikwento. May gusto akong sabihin. Alam nyo po, meron po akong bestfriend. Masaya kami palagi pag magkasama. Yung parang wala naman talagang dapat ikasaya, pero masaya. Yung ang dami nyo ng pinagdaanan, ang dami nyo na din nalampasan. Yung isang tawag mo lang sa kanya, andyan na sya. Yung alam mo na may nagkecare sayo. Yung alam nyong sa pabuti lagi yung hinahangad nyo sa isa't- isa. Yung ayaw ka nyang mapapasama, mapapahamak. Yun. Yun po ako bilang bestfriend sa kanya.
Yung akala nyo po na meron ka laging matatawag na bestfriend? Akala lang po pala yun, Lord. Msyado po kasi syang mabilis magbago. Mabilis syang kumalimot sa lahat. Don't get me wrong po. Masaya ako kung anong nagpapasaya sa kanya ngayon. Nakakatuwa. Pero po bakit ganon? Nalimutan nya na may bestfriend sya, tulad ng dati. Ganon na po yata yung rule ngayon. Yung pag masaya ka na, yung mga kaibigan mo, kakalimutan mo na. Yun e. Yun po yung masakit. Pero okay lang po, basta importante naman e masaya na sya. Malakas na. Kayo na po ang bahala sa kanya.
Sana lang kaya ko pong paulit ulit tanggapin yung ganito. Pero hindi na po yata. Hindi na po yata talaga. Ilang beses ng nakalimot sa pinagsamahan namin yun bestfriend ko. Ilang beses na po nya akong iniwan at binalewala, na sakin, siya yung inuuna ko sa lahat, kasi nga bestfriend dba? Ilang beses na po. Ilang beses nadin po akong napapagod.
Pasabi naman po sa kanya, salamat. Wala na po kasing pagkakataon para masabi ko pa yun e. Salamat sa lahat lahat. Pasabi din na I would always look back to the memories we both shared, even until we reach the point of forgetting what bestfriend is. Pasabi na po din sorry. Kasi msyado siguro akong nakakasakal. Pero para din naman po sa ikabubuti nya yun e. Alam ko pong pag pinagbabawalan din nya ako, para din yun sa ikabubuti ko. Kaya sinusunod ko po. Alam nyo po nung nagswimming kami, ayaw nya na nakashorts ako. Susundin ko na sana yun kung ndi lang sya pumayag nun huli. May pajama po ako sa bag ko :) Nung sinabi nya na wag ako uminom, nagpanggap po ako sa mga kaibigan ko na pagod ako, para tututlog nalang ako. Para hindi ako makakainom. Para nman din kasi sa ikabubuti ko yun di po ba? Pasalamat nga ako na may bestfriend ako na magpapaalala skin nun, na magbabawal sakin. Ayoko lang din pong mapapahamak sya. Kaya nilalayo ko sya pedeng mangyari na pagsisihan nya sa huli. Pero yun nga po, dun yata masaya yun bestfriend ko. Hayaan nalang po siguro natin. Sana lang po, hanggang huli, samahan sya nila. Sana hindi hanggang kasiyahan lang. Gusto ko po sana na kapag kailangan nya ng tulong, may matatakbuhan pa din syang kaibigan. Sana po sila yun. Kasi siguro, kung dati, isa ako sa kanila, ngayon po baka hindi na.
Iparating mo rin nga po pala na hindi ako galit sa kanya. Masaya ako sa kinalalagyan nya ngayon at sana sya din po. Pasabi din na po magiingat sya palagi. Kayo na po ang bahala magpaalala ng mga bawal sa kanya. Sabihin nyo po na wag masyado pakasagad sa pagbabasketball. Baka mapaano po kasi yun tuhod nya. May sumasakit na po kasi sa tuhod nya e. Pagilingin nyo na nga po. Please po. Pasabi din po na wag sya iinom ng soft drinks. Makakasama po yun sa kalusugan nya. Ipaalala nyo po na kumain lagi sya sa oras para hindi na po sumasakit yung tyan nya. Tska po wag po sya papaulan, para hindi po sya mgkakasakit. At isa pa po, pakipaalala po sa knya na lagi po sya papakabait. Kasi yung dati po nyang bestfriend, nagaalala po palagi kung okay ba sya. Kayo na pong bahala na magsabi sa knya lahat ng ginagawa ko dati, or kung pede po, ihanap nyo po sya ng tao na laging mgpapaalala nito sa knya, para assured po ako na okay sya.
Lord, ang hina ko po. Hindi po pala ako ganun kalakas tulad ng inaakala ko. Ayaw ko po sana kasing magkagalit kami. Kasi gusto ko po sana syang alagaan, bilang bestfriend nya. Pero Lord, hindi po yata ako yung dapat mgpaalala sa knya ng lahat ng tama sa mali. Ipinauubaya ko na po sa inyo lahat. Yung lahat po ng hindi ko nasabi, kayo na po magparating sa kanya lahat lahat. Kayo na din po ang bahalang ingatan sya. Sana din po pasayahin nyo sya. Bigyan nyo po sya ng lakas pag mahina sya, tska bigyan nyo din po sya ng kaibigan na mgiging andyan pag kailangan nya ng tulong, pag may problema syang mabigat. Kayo na po ang bahala kay Bespren. Kayo na po ang bahala dun sa Bespren ko.
Sabi ko nga po sa inyo nung ngusap tayo nung isang araw, kahit ganito po ang nangyari, ayaw ko parin po mapapasama sya. Sana po dun nyo sya dalhin sa makakabuti sa knya. Wala nman po akong hinangad kundi mapabuti sya e. Siguro, hindi lang nya nauunawaan yun. Pero sana in time, maisip nya na gusto ko lang syang mapabuti.
Salamat po Lord! Salamat po. Ang saya ko po ngayon na kayo na po yung gagawa ng paraan para masabi lahat ng mga hindi ko nasabi. Isang hiling lang po. Pede po bang sabihin nyo din na magiging masaya ako kung hindi nya huhubadin yun bracelet na bigay ko? Yun lang po kasi yung magiging assurance ko na safe sya kahit san sya pumunta.
A friend ask me nga po pala. Sabi nya, paano kung madaanan mo sya sa tabi naglalakad, tumatakbo kasi umuulan, anong ggwin mo? Sabi ko po, titigilan ko sya. Hindi ako ganun kasama para lampasan sya. Hello, bestfriend ko yun.