Saturday, December 17, 2011

...

Gusto ko sanang sabihin dito lahat ng nararamdaman ko. Gusto kong sabihin na masaya ako. Malungkot. Naiinis. Galit. Lahat. Kaso hindi ko alam talaga yung eksaktong nararamdaman ko. Pero alam ko, masakit. masakit lahat ng nangyayari. Pero alam mo yung feeling na gusto mo pang lumaban? Kaso unti unti ka nang nawawalan pa ng dahilan para lumaban? Yung gusto mong pangalagaan kung ano pa yung natitira, o kung meron pa mang natitira, pero pagod ka na. Pero hindi mo na kaya. And you finally learn to let go. Because it already hurts.

Kala ko kasi, ganun yun e. Kala ko, pag kilala nyo na yung isa't- isa, pag madami na kayong pinagdaanan at nalampasan nyo lhat ng yon, akala ko, walang katapusan yun. Walang katapusan yung saya. Pero mali pala ko. Kahit gano pa katagal yung pinagsamahan nyo, kakalimutan din nila yun. Ang sakit lang isipin. Pero pagod na ko, ayoko na.

Pero sa kabila lahat ng nasabi ko, sa kabila ng lahat, andun pa din yung pagmamahal, yung pagkamiss, at yung pagtreasure mo sa lahat. Ang lungkot lang, kasi kahit gano ko pa sabihin na masaya ako, kahit gano ko pa ipilit na masaya ako, hindi pa din e, kulang padin. Kasi yung minsang pinagsamahan, napawi nang parang bula lang. Kasi minsan naming pinlano na kahit may mga asawa na kami, ganito pa din kami. Pero bakit parang nakalimutan na namin lahat yun? Bakit parang nalimutan nming lahat ng masasayang araw na magkakasama kami, na para bang tumatawa lang kami na walang pakialam sa mundo. Nakalimot na pala kaming lahat. Nakakalungkot.

Nakakamiss din pala yung maging masaya, yung totoong saya? hindi yung pinilit mo lang.

Mahal ko kayo, at kung sakaling may pagkakataon pang maayos ang lahat, pangako, kakalimutan ko lahat ng sakit. Bubuo tayo ng mas magagandang memories. Sana may pagasa pa.

2 comments:

  1. so sad naman. . . :( wag sana masayang ang lahat

    ReplyDelete
  2. Hi! I just read this. Who are you anyway? Thanks for the concern though. God bless you.

    ReplyDelete